Ito Ang Totoong Solusyon: eFuel Production Line

Malapit na maging source ng power ang hangin ng South America dahil nagsimula na ang Porsche ng kanilang bagong bio-fuel plant. Tagumpay na naisagawa ng German-based company ang unang litro ng kanilang “eFuel” sa Punta Arenas, Chile. Mula sa tubig at carbon dioxide na pinroseso gamit ang araw at hangin na mga renewable energy, ito na marahil ang kailangan ng mundo mula sa hydrocarbons.


Hindi na bago ang Porsche sa mundo ng renewable liquid fuels at ilang taon na rin silang nagsasaliksik tungkol rito. Katulad ng ibang manufacturers na pinupwersang makisama sa programa ng electric vehicle ng gobyerno, aalam ng VV Group (o ang may-ari ng Porsched, Audi, Lamborghini, Skoda, SEAT at iba pa) na limitado lamang ang mapagkukuhanan ng mga kailangan sa paggawa ng baterya ng mga ito at patuloy na ipipilit ang tinatawag nilang “double e-path” o ang e-mobility at eFuel. Ayon sa VV, ang eFuel ay isang praktikal na alternatibo kung saan ang internal combustion engine ay gagana nang naayon sa CO2.

Sa Chile nila itinayo ang bagong planta dahil na rin sa hitik na suplay rito ng sikat ng araw at malakas na hangin. Inaasahang ang lugar na ito ay makakagawa ng halos 34,000 galon kada taon. Ngunit ito ay konsepto pa lamang sa pagtatangka na gawin itong komersyal ayon sa produksyon na rin ng VV Group na tinatawag nilang lighthouse projects gaya ng Porsche Mobil-1 Super Cup. Tinitignan rin na magagamit ang fuel na ito sa mga Porsche Experience Centres sa buong mundo, na nagbibigay ng pagkakataon para sa ilang mga lumang sasakyan na makabalik muli sa kalsada.


May mga plano na rin sa pagpapataas ng produksyon nito sa Punta Arenas na aabot sa 14.5 million gallons kada taon bago mag 2025 o 145 milyon gallons bago umabot matapos ang isang dekada. Hindi na ito bagong ideya para sa Porsche at iba pa nitong mga kapartner gaya ng Exxon Mobile na umabot ng limang taon para maisapubliko.

Ang bagong fuel na ito ay maaring imanupaktura kahit saang mayroong renewable energy lalo na ang hangin at araw at idinesenyo para sa kahit anong makina na gumagamit ng gasolina. Ibig lamang sabihin nito, kinakailanagan ng malaking puhunan talaga sa mga imprastrakura para sa Electric Vehicles. Tawagin ninyo na akong maluma pero, ang nakikita ko lamang benepisyo ng ganitong gasolina? Magagamit ko na muli ang aking Porsche 911!

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *