Ang Realidad ng Electric Vehicles (EV): Mahal at Problema ang Kinakaharap

Mula sa mga magarbong pagbubukas ng mga planta hanggang sa mga madamdaming talumpati tungkol sa “pagliligtas sa mundo,” mukhang nalubak ang rebolusyon ng mga electric vehicle (EV) o mga sasakyang de-kuryente. Ayon sa ulat ng Blackout News mula sa Germany, nahaharap ang industriya ng sasakyan sa isang krisis na maaaring magpabagsak sa kanila dahil sa EV.
Nakalululang pagkalugi hindi biro ang nangyari: sa taong 2024 pa lamang, umabot sa 60 bilyong euro ang nawala sa sektor ng EV. Ang mga higanteng kumpanya tulad ng Volkswagen, Ford, at General Motors ay napilitang bawiin ang kanilang mga nakaraang pamumuhunan na akala nila ay magiging tagumpay, pero nauwi lang sa malaking pagkakamali. Masyadong naging kampante ang mga kumpanya na pipila ang mga tao para bumili ng mamahaling sasakyan kahit na may problema sa range (distansyang mararating).
Bakit Hindi Bumibili ang mga Tao? Hindi basta-basta sumusunod ang mga mamimili sa gusto ng mga kumpanya. May mga praktikal na dahilan kung bakit nag-aalinlangan ang mga tao dahil sobrang mahal ng presyo, maikli ang distansyang kayang itakbo bago ma-lowbat, matagal mag-charge, at wala na ang mga tulong o subsidy mula sa gobyerno na nagpapamurang sana sa presyo nito.
Ang problema ng industriya ang mga kumpanya ng sasakyan ay nakatutok lang masyado sa mga target ng pulitiko, sa mga batas tungkol sa polusyon, at sa pagbabawal sa mga makinang gumagamit ng petrolyo. Nakalimutan nila ang pangangailangan ng tunay na merkado. Ngayon, marami silang nagawang sasakyan na wala namang gustong bumili.
Dahil dito ang ford ay binabawasan ang puhunan sa EV, ang General Motors ay binabago ang kanilang target sa produksyon, at ang Volkswagen ay nagsisimula nang magtipid nang husto. Dahil sa mataas na presyo ng mga materyales at sa pag-aalinlangan ng mga mamimili, ang akala nilang “gintong oportunidad” ay nauwi sa malaking lugi. Ang tanong ngayon: mapapansin ba ng mga pinuno ng gobyerno ang sunog na nangyayari sa industriyang ito, o magbubulag-bulagan lang sila?




