Inapula ang Nasunog na Tesla Model S na Ito Gamit ang 6,000 na Galon ng Tubig!

Isang Tesla Model S na bumabaybay sa kahabaan ng California highway noong January 29 ang bigla na lang sumiklab sa di malamang dahilan. Nirespondihan naman ito ng Sacramento Metropolitan Fire Department na gumamit ng jack upang maiangat ang kabilang parte ng sasakyan kung saan pwedeng makita ang nasirang makina. Sa isang tweet, sinabi ng Fire Department na gumamit sila ng halos 6,000 na galon ng tubig para lamang magapi ito. Ang isang normal na sasakyan ay gagamit lamang ng 500 hanggang 1,000 na galon para makaapula ng apoy.
Kahit na madalas na palya sa baterya ang madalas natin nakikita sa mga headline sa dyaryo, hindi talaga ito ang karaniwang nagiging dahilan ng ganitong mga insidente lalo nang hindi sa mga Internal Combustion Engines. May kahirapan nga lang itong sugpuin gamit ang mga kinagawian. Tila sinabi ng Tesla na gumamit ng “maraming tubig” sa pagpatay ng apoy mismo sa baterya at narinig naman ito ng Sacramento Fire Department.
Kahit na naapula nila ang apoy sa huli, ang katotohanan na parami na nang parami ang mga Electric Vehicle sa lansangan ay nangangahulugan na kinakailangan rin mag-isip ng mga bumbero ng mas mabilis at maayos na paraan paano masusugpo ang mga ganitong sunog sa makina at baterya. Halimbawa na lamang sa Netherlands gumamit ng isang malaking tangke ang mga bumbero para patayin ang sunog na nagmula sa isang BMW i8 pero alam natin na hindi ito praktikal lalo na kung dadami nang dadami ang mga ganitong klaseng insidente.
Kung iyong nalilimutan, libong mga luxury cars gaya ng Porsche at Bentley ang minsan nang naiwang nasusunog lulan ng barko kasabay din sa paglubog nito at doon napag-alaman na hindi talaga basta-basta ang pagsugpo sa apoy mula sa mga nasusunog na Li-ion batteries.
Ngayon, maaring gumamit ng dry chemical fire suppressant para sa maliliit na Li-ion batteries at sa totoo lamang, ang paggamit ng tubig ay maari pang mas makapagpalala ng sitwasyon dahil nagrereact ang Lithium sa H2O kung saan lumilikha ito ng flammable gasses.
Ang pinakamaayos na gawin sa ngayon ay umiwas muna sa sunog at huwag hayaang mangyari rin ito sa baterya ng sasakyan mo.




