Ford Car, May Sanib?


Dahil sa pagiging karaniwan na ng mga “connected cars”, tila unti-unti nang nagiging hawak ng mga automakers ang kanilang mga sasakyan kahit ito ay nabenta na. Kamakailan lamang ay may artikulo kami tungkol sa ilang mga in-car features na magagamit lamang kapag nagbayad ang may-ari ng subscription fee. Sa pinakahuling aplikasyon ng patent ng Ford, nagpakita sila ng hakbang na mas malayo pa sa ganitong sistema.

Nag-file ng patent ang Ford noong Agosto 2021 ngunit hindi ito na-publish hanggang kamakailan lamang. Sa aplikasyong may pamagat na “Systems and Methods to Repossess a Vehicle”, inilarawan ng Ford ang isang sistema na maglalock ng driver at kahit na magd-drive ng sarili papunta sa impound lot kung hindi makabayad ang driver.

Ngunit una, gagawing abala o hindi komportable muna para sa driver ang lahat sa pamamagitan ng pagdisable ng ilang mga function at components tulad ng air-conditioning o engine. Ang sistema sa loob ng mga sasakyang mayroong semi- o ganap na autonomous driving capabilities ay maaari rin maglipat ng sasakyan sa lugaw na mas madali itong mahihila ng tow truck diretso sa mismong repossession agency o kaya sa junkyard kung sa tingin ng bangko ay mayroon pang halaga bilang scrap metal.


Tulad ng ulat ng The Drive, na unang nag-ulat tungkol sa patent filing na ito, hindi nangangahulugan ang mga patent na may layunin ang mga tagagawa ng sasakyan na ipakilala ang sistemang ito o teknolohiya sa mga susunod na sasakyan ngunit nakababahala lamang rin na pumasok ito sa isip ng mga tao sa Ford.

Ngayon, ito ang nangyayari kapag masyado nang nagiging konektado and ating mga sasakyan——maaaring makakuha tayo ng over-the-air na mga update, voice assistants, in-car entertainment, at iba pa, ngunit ibig sabihin din nito ay inaanyayahan natin ang maraming pakikialam at pagkawala ng kontrol sa mga sasakyan na ating ginagamit. O mas masama pa, pinapayagan nating “i-hack” ang sasakyan na ating ginagamit at kontrolin ito.

No comments yet! You be the first to comment.

Your email address will not be published. Required fields are marked *